Sunday, May 08, 2005

Ina

Bakit kaya ganun?
Na kapag di' kita nakita ay pakiramdam ko
Ako'y iniwan mo na?
Bakit kaya ganun?
Na kapag iba ang nagluto ng nakahain sa mesa
Ay di' kasing sarap ang paglasap maging nitong mga mata?
Bakit kaya ganun?
Na kapag di' man lamang mo ako napansin, nahalikan o di' kaya'a napagsabihan
Parang sinukluban na ng langit at lupa ang abang nadarama?
Bakit kaya ganun?
Na kapag di' mo ako ginising sa umaga
Pakiramdam ko ako'y di mo na naalaala?
Bakit kaya ganun?
Na sa bawat araw na ako'y inaruga mo
Ni hindi ka man nagpakita ng pagkapagod?

Ah! Alam ko na!
Pagkat ikaw ang aking ina.
Inang walang sawang dinala yaring aba sa kanyang sinapupunan
Ng halos siyam na buwan.
Inang nagaruga sa yaring aba hanggang sa magkamalay
Inang tila walang katapusan ang pagdalamhati pag ako'y nadapa
Inang tila walang kasinggalak kapag ako'y nagkakamit ng medalya
Inang tila walang kasinsungit kapag may gumagambala sa aking katahimikan

Mula sa kaibuturan ng aking puso, MA, maligayang araw ng mga ina!